உள்ளடக்கம்
மொழி

Ang mga residenteng nasa pangmatagalang pangangalaga ng Ontario ang pinakamahalagang bahagi ng bawat home. Umabot na sila sa punto ng kanilang buhay kung saan kailangan nilang umasa sa iba para masuportahan at mapangalagaan sila, at bagama’t may ilang residenteng hindi kayang alagaan ang kanilang sarili, marami sa kanila ang nakakapagpahayag at nakakapagpasya para sa kanilang mga sarili pagdating sa pamamahala ng paggamot nila. Mahalaga ang pakikibahagi ng mga residente para sa pagpapaigting ng kaligtasan ng paggamot, at layunin ng inisyatibang ito na suportahan ka, sa pamamagitan ng mga materyal at pagbibigay-kaalaman, para magawa ito nang tama. Ibibigay ng pagtutulungan ng tauhan at mga residente ang pinakamagandang pagkakataong posible para magkaroon ng ligtas na karanasan sa paggamot.

"Nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ang aking doktor, at nagkaroon din siya ng pagkakataong makilala ako. Ang magandang pagsasamahan, pagkakasama, at ugnayang iyon ay napakahalaga sa akin at sa marami pang ibang residenteng nasa pangmatagalang pangangalaga."

Barry, residente sa pangmatagalang pangangalaga, Ontario.

"Para maidagdag ko ang boses ng residente, gusto kong maging bahagi ng komiteng nagpapasya kung paano nila babawasan ang mga pagkakamali..."

Devora, residente sa pangmatagalang pangangalaga, Ontario.

Mahalaga ang Boses Mo sa Kaligtasan ng Paggamot

Ang boses ng residente ay mahalagang bahagi ng anumang sistema ng pamamahala ng paggamot, at nagbibigay ito ng natatanging pananaw sa pagpapasya at pagpaplano ng pangangalaga. Inilalarawan ng video na ito kung paanong puwedeng ganap na makibahagi ang mga residente at kanilang pamilya, at kung bakit mahalaga sa kanilang kalidad ng buhay ang kanilang opinyon. Idinisenyo ang module na ito para sa mga residente at pamilya, pero magbebenepisyo sa panonood ang lahat ng tauhan ng LTC.

Isang nada-download na materyal para sa iyong mga residente at kanilang pamilya ang handout na itong, “Mahalaga ang Boses Mo sa Kaligtasan ng Paggamot.” Ibahagi ito para matulungan mo silang maunawaan ang kanilang papel sa pamamahala ng sarili nilang paggamot habang nasa pangmatagalang pangangalaga. Maaaring i-print o i-email ang handout na ito sa iyong komunidad.

பதிவிறக்கம்

Survey para sa Residente at Pamilya

Ang isang paraan para mangalap ng pananaw ng residente at pamilya sa kung paano pinapamahalaan ang paggamot sa home ay sa pamamagitan ng paggamit ng survey. Gumamit ang isa sa mga Champion Home ng survey na ginawa ng Faculty ng ISMP Canada at binago nila ito para maipakita ang mga lokal na kaibahan.

Sumangguni sa 1D

பதிவிறக்கம்

Kapag Nagkaroon ng Pagkakamali sa Paggamot

Bagama’t ginagawa ng mga provider ng pangangalagang pangkalusugan ang lahat ng kanilang makakaya, maaaring magkaroon ng mga pagkakamali sa paggamot sa isang long-term care home. Basahin ang impormasyong ito para malaman kung ano ang maaari mong asahang gagawin ng tauhan at mga doktor sa iyong home pagkatapos magkaroon ng pagkakamali sa paggamot.

பதிவிறக்கம்

Ang Mahalaga sa Iyo

Ang Mahalaga sa Iyo ay isang pandaigdigang inisyatiba na naghihikayat sa mga provider ng pangangalagang pangkalusugan na makipag-ugnayan sa mga residente at pamilya para pag-usapan kung ano ang mahalaga sa kanila at ang kanilang mga pangkalusugang hangarin. Tingnan ang dokumentong ito para sa mga resource at ideya.

பதிவிறக்கம்

Ibahagi ang Iyong Mga Kuwento ng Kahusayan!

May nakita ka bang magagandang halimbawa ng pakikibahagi ng residente at pamilya sa pamamahala ng paggamot sa iyong home? Ibahagi sa amin ang iyong mga kahanga-hangang kuwento.

Ibahagi ang iyong mga kahanga-hangang kuwento